Ako'y namangha nang sinabi mong
Pinipili mo ako
At nakita ko kung gaano ka kasigurado
Alam mo ang lahat sa akin
Pero ako parin kahit hindi pilitin
Nagtataka ako
Nakakalito
Bakit nga ba ako?
Diba't tumalikod ako sayo?
Pero ang sagot mo,
"Dahil mahal kita, palagi kang pipiliin ng puso ko"
Sa tagpong iyon, alam ko
At sigurado ako
Magbabago ang tingin ko sa buhay, sa pag ibig, sa sarili, sa mundo at sayo.
Nagbago ang buhay kong
Nakulong sa pagsisisi
Naunawaan ko ang proseso nito
Natutunan kong patawarin ang sarili ko.
Sa tinagal tagal kong naniniwala
Na wala akong halaga sayo,
Pinakita mo sakin ang konteksto pag ibig mo
Sa Panahon na inakala kong wala akong halaga sa mundo mo
Pinulot mo ako sa mismong pinagbagsakan ko.
Kung mababalik ko lang ang panahon,
Sana ang mundo'y hindi na nilingon
Pero heto ako ngayon,
Kahit naligaw ng mahabang panahon
Iniuwi parin sa lilim ng panginoon.
-Mikee Principe.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento