Martes, Oktubre 15, 2019

Pinili

Ako'y namangha nang sinabi mong

Pinipili mo ako
At nakita ko kung gaano ka kasigurado
Alam mo ang lahat sa akin 
Pero ako parin kahit hindi pilitin 

Nagtataka ako 
Nakakalito 
Bakit nga ba ako? 
Diba't tumalikod ako sayo? 
Pero ang sagot mo, 
"Dahil mahal kita, palagi kang pipiliin ng puso ko" 

Sa tagpong iyon, alam ko
At sigurado ako
Magbabago ang tingin ko sa buhay, sa pag ibig, sa sarili, sa mundo at sayo. 

Nagbago ang buhay kong
Nakulong sa pagsisisi 
Naunawaan ko ang proseso nito 
Natutunan kong patawarin ang sarili ko. 

Sa tinagal tagal kong naniniwala 
Na wala akong halaga sayo, 
Pinakita mo sakin ang konteksto pag ibig mo
Sa Panahon na inakala kong wala akong halaga sa mundo mo
Pinulot mo ako sa mismong pinagbagsakan ko. 

Kung mababalik ko lang ang panahon, 
Sana ang mundo'y hindi na nilingon 
Pero heto ako ngayon, 
Kahit naligaw ng mahabang panahon
Iniuwi parin sa lilim ng panginoon. 



-Mikee Principe. 

Sabado, Oktubre 12, 2019

Tama Na! Naitama na Nya.

Sa Tagpuan, Tanong ni Moira,
"Paano mo naitama ang tadhana?"
Sa Isip, Tanong ko naman, 
Tama bang Mali ay Itama pa?

Sa haba, bigat at lalim ng pagtingin, 
Napipigilan ba ang damdamin? 
Sa tagal mo syang ipinalangin, 
Hanggang Ngayon nagdududa ka parin?

Nagawan ng daan bago ka maligaw
Hinawakan bago ka bumitaw
Alam ng Pag-ibig bago mo hingin 
Maling tadhana't panalangin 
Tama  na! Itinama na nya. 

You Can't Give What You Don't Have

YOU CAN'T GIVE WHAT YOU DON'T HAVE. Basic phrase but very Correct. Right? Whether in physical things or skills that asked you to d...